Friday, January 29, 2010

Ngiti ni Hudas (part 7)







-Hindi lahat ng masakit ay masarap; hindi lahat ng masarap ay may lasa.

Parang isang isang segundo lang ata naitulog ko. Tinatamad na naman akong pumasok. Nagiging sakit ko na talaga 'to kapag Lunes. Nakakatamad bumangon.

“ SHIT! “
Naalala ko bigla ng makita kong may katabi pala ako. Lumabas ako at tiningnan kung may tao sa labas. Meron nga. Nagtoothbrush agad ako at binuksan ko ang pinto.

“Josh, kanina ka pa?” tanong ko.


Isang buntong hininga lang ang isinagot ng lolo mo.

“Sorry, got tired of doing my assignments kaya late na ko nakatulog kagabi.” (charot)


“Do you have any idea what time is it?” maangas parin ang lolo mo.


“I’ve been here kanina pa, it’s almost 9 in the morning and I’ve been waiting for about 2 hours and 18 minutes.” Pagmamaktol ng lolo mo.


Kasalanan ko ba yon? Sino ba may sabing hintayin niya ang pagising ko. Amfufu.
Isa sa pinaka ayaw ko ang bwesitin ang umaga ko.

“Look, kanina ka pa dito diba? And you’re tired right? And sick of course. Well you know what? The feeling is mutual… I guess we should end this up. You can leave now."


Hindi ko na tinuro ang daan pababa dahil sa movie lang naman nangyayari ang ganun.
Hagdanan break up ang nangyari. Speechless.

Hindi ko alam ba't ang kantang 'yon ang biglang pumasok sa utak ko.
(note: hindi po ako nagrarugby, sadyang malikot lang mag-isip)

Pumasok na ko at inilock ang pinto. Naligo na parang walang nangyari sa umagang ‘yon. Nagbihis at ginising ang natutulog sa kama ko.

“I’ll go ahead, dadating maya-maya ibang boardmates ko. You can stay here if you want to. Baka lang kasi hindi ako makauwi mamayang lunch time.”


“ok, maybe I’ll go now too. Pagamit ng CR.”

---------


Nasa loob ako ng classroom pero wala sa prof ko ang concentration ko. Naalala ko palagi ang nangyari kagabi. Hindi ako maka move on. Tuliro.

Nagring bigla ang cellphone ko. Kaya tumayo ako at lumabas.

“Hello”

“ Can we talk?” si Josh.

“why?, I’m in the middle of my class.”

“ I’m sorry.”

“Talk to you later chong ha.” Binaba ko na ang cp ko at pumuntang canteen. Mas lalong nagwawala alaga ko sa tiyan sa dramang ewan.

Hindi na ko bumalik sa classroom. Babalikan ko na lang mamaya mga gamit ko.

“Tol! Hoy! Bat lumalamon ka mag-isa?” bungad ng kasama ko sa isang organisasyong pinasok ko sa university.

Tumayo ako at kunwa’y yumuko.

“My mistress!”

“adik, marereport na naman tayo.

Galit ang mga prof sa mga fratmen dahil mas nirerespeto pa daw kesa sa kanila.


Kasama ko si Yvon sa isang fraternity sa school. Mas matanda siya at naunang nakapasok sa grupo. Walang FREE SEX sa grupo namin pero may FREE LOVE. Pwede mong ligawan kahit babae. Minsan kapag nalunod sa sabaw (beer) ang utak ko, niloloko ko si Yvon na iwan ang jowa nya at ako na lang gawing pamalit. .

“May acceptance mamayang gabi, bagong chapter sa UP. Sama ka.” Umupo siya sa harap ko at nakishare sa kinakain kung hotdog.

“Same time? Same location?”


“Oo, task mo pareho. Ikaw parin sa huli.”


“Oi, sige Tol, pasundo mo ko mamaya sa aspi mo.”


---


Di ko napansin na puno na naman pala ang inbox ko. Ang hirap kapag old model ang cellphone. Limited ang pumapasok na messages. Syettt.


Nireplyan ko muna ang aking pinakamamahal.

.. See you, Old building 4th floor last room.


Agad akong pumunta sa Old building at dun ay hinintay siya. Maya-maya pa narinig ko na ang nagmamadaling hakbang papalapit.


Nang makita ako, agad naluha.

“Sorry talaga. Possesive na ba ako? “

Tinitigan ko siya at ako naman ang sumagot ng buntonghininga. Pinag-iisipan ko kung pa’no torturin ang kaharap ko.

“Sorry na talaga.”

“Sige, pero wag ka munang magpapakita isang Linggo.”


Alam kung mamimiss niya ko at isang torture yon Naiinis parin ako sa kanya. Super aware ako na selfish at self centered akong tao. Hindi ko na problema ‘yon. Problema na yon sa gustong pumatol. Para ano pa at pinachitsismisan nko at tinatawag na hudas. Kere kong panindigan yon. Tumayo nko at umalis.


Kailangan ko umuwi nga maaga at magpahinga. May acceptance mamaya.


Napasobra ata ang tulog ko at hindi ko namalayan ang cellphone ko na parang sasabog na sa dami ng missed calls at messages. Hinihintay nako at nasa labas daw ang sundo ko. Agad kung kinuha ang jacket ko. Kalahati ng buhay ko nasa jacket ko pinauubaya Hindi ako makalayo sa bahay ng walang jacket. Gaya ng sabi ko, madali akong lamigin.
Pagkababa ko ng hagdanan agad na nag bow ang dalawang aspi.


“Tara!”


--------


Pagdating ko sa location. Agad kong narinig ang iba’t-ibang ungol. Nagpapaluan na. Isang malaking taniman ng iba’t-ibang prutas ang lokasyon namin kung saan walang makakarinig sa daing. Pagmamay-ari yon ng pamilya ni Yvon.


“Tol, dito dito” si Yvon.


Agad naghandshake. Pumasok ako sa rest house at nakita ko ang walong lalaking nakaluhod, nakatakip ang mata at damit panloob lang ang suot.


May binulong sakin ang isang kasama ko.

“O sige” sabi ko. Inumpisahan ko na.

Ahem! Walang sumagot. Kaya nilakasan ko.

Ahem!

Sumagot ang walo.

“Good evening Master!”

during orientation, pinapaalam ng mistress ang do's and dont's at dahil ayoko ng tinatawag akong "MY LADY" iniba ang tawag sa akin... type ko ang MASTER. Prang sa anime kasi!

“Hindi ko narinig! Anak ng tokwa kayo! Binabastos nyo ba ko?!!!

bulyaw ko sa kanila.


TAYO! Mag-iinuman tayo! Kaya nyo pa ba?”


“kaya master, kaya.”


Ang iba ay naiiyak na. marahil sa hapdi at sakit ng dinanas nila.
Nagbukas ako ng isang beer at pinaamoy sa kanila.

“Ano naamoy nyo?”

“Beer master!”

“sige inuman muna tayo, magrelax muna tayo sandali.”

Pinadura ko kunwari ang mga kasama ko sa iisang baso. Naririnig nila yon. Ang iba ang sound effect pa na parang malagkit na plema.


Pinaamoy ko ulit ang beer.


“masarap ba ang beer?”


“ masarap master!”

“O shot na!”

pinainom ko sa kanila ang kunwaring plema at laway ng mga kasama ko. May dalawang sumuka.


“akala ko ba masarap? Lahat tayo ng maayos, ilagay ang mga kamay sa likuran!!!”

pasigaw parin ang pag-utos ko sa kanila.

“Spell QUIT losers. SPELL!” sigaw ko sa kanila. Ang dalawa ay nagsusuka parin.


Pina-inom ko ulit.

“spell QUIT!!! Losers!!! Maawa kayo sa kulay bayolet nyong legs! Kapag nalaman to ng nanay nyo, lagot kayo.”

"Pstt… ikaw" turo ko sa pang-apat na lalaki sa kanan. “spell Quit!”
“I don’t know how master!”

Pinaubos ko na ang eggyolk na nilagyan ng asin sa kanila na inakala nilang plema.


"Within 10 counts kailangang mag evaporate kayo sa harap ko. Hanapin nyo ang araw at ituro nyo."

Alas onse na ng gabi nun. Nagtatawanang demonyo lang ang maririnig mo sa buong farm. Nagkabanggaan pa silang lahat ng hinahahap nila ang pinto palabas. Naka blind fold parin sila.

“ISA!!! Sigaw ko.


“WALO”!!! mga p*ta! Ang babagal nyo! Hindi ako marunong magbilang!


Nakalabas na sila pero hindi nila alam kung anong ituturo dahil wala namang araw. Kinuha ko ang Baseball bat at lumabas na rin ako. Sumunod lahat ng myembro. Bawat acceptance may ganito. Kung sa iba kalokohan ito, sa grupo isang MALAKING kalokohan nga pero dito nasusubok kung paano mag-isip ang isang half brod. Gaano kahalaga sa kanila ang mapabilang sa amin.
Pinahawak ko ang baseball bat isa-isa.

“Masakit ba ang puddle kanina chong? O mas masakit ito kung sakali?”

May umiiyak na. syeetttt….

“Hay, mga bata kayo, naghahanap kayo ng sakit sa katawan” Binalibag ko ang baseball bat sa isang gulong na nakadikit sa isang puno.



“Nasaan ang araw?”

Agad nilang tinuro ang langit gamit ang kanan at kaliwang kamay. Halatang natataranta.

“Mga Assuming kayo!”


Lumapit ako sa kanila at binulong ang mahiwang salita.


“Uto-uto!”


“May sinabi ba 'kong kamay gamitin ninyong panturo?!!!”

binalibag ko ulit ang baseball bat sa lupa naman.

Mabilis silang humiga at tinuro ang langit gamit ang paa.


“Walang namang araw! Pinagloloko nyo ko. Gusto nyo pa bang masikatan ng araw?!”


Sumipol ako at kumanta…

“Hoy alam nyo ba ang kantang harap sa kanan halik sa kaliwa? Sure ako hindi nyo alam yon, dahil dun... kayo ang sasayaw. Ako na ang kakanta."

Para akong may tiriring habang sinasabi ang bawat salita ng kanta.

Hindi na magkamaliw sa kakatwa ang mga kasama ko.


Sige mga ineng tayo ng maayos at sumayaw.


Natataranta na sila at di na magkamaliw kung ano ang tamang gawin. Inumpisahan ko na nag pagkanta ko.


“sampal sa kanan halik sa kaliwa.


Sobrang lamig na sa labas pero ang lalaki ng butil ng pawis na nagsisilabasan sa mga pagmumuka ng walong nkahubad.

Parang adik na nagsasampalan at naghahalikan.

Andami ko ng ginawang kalokohan, pero talagang matigas at ayaw magQUIT! ganito ang hinahanap ng grupo

Alas dos trenta…

Pinakuha ko na ang by laws.

“Pinagod nyo ko mga hayop kayo. Tanggalin ang huling saplot maliban sa piring!!!"


Pinagitnaan namin sila at binasa ko ang by laws ng org.


Congratulations!!!! naghiyawan na ang lahat.


Lumapit ako sa walong nakahubad.

“Linisin nyo pagmumuka nyo at humarap sa akin na may kumikintab na balat! Sampung Segundo mga chong!

ISA!!!


Hindi ako marunong magbilang!!!


Nagtakbuhan na sila papuntang banyo na nagsisisigaw… Natapos din ang lahat sa isang maBOTENG usapan.

Pambihirang psy war.





1 comment:

xhie89 said...

wow...graveh ka drama serye.hehehe