Thursday, January 14, 2010

Ngiti ni Hudas (part 5)



“Hindi lahat ng ENTRANCE ay pinto.”
:naughty:




Sabado. Alas otso ng gabi, nasa bahay parin ako at hindi na muna umuwi sa boarding house. Pinag-iisipan ko pa kung raraket na naman ba ko o gigimik na lang. Kanina pa nagwawala ang cellphone dahil tawag ng tawag ang dating kabarkada. Sinagot ko na.

“Bakla ano?” tawag ko sa mga babae kong kaibigan.

“Ano na?, ikaw na lang ang hinihintay… pupunta ka ba?” pangungulit ng kabilang linya.

Biglang may nang-agaw ng cellphone sa kabilang linya kaya di ko nasagot.

“Hello Lex, Terry ito, magbihis ka na, susunduin kita.” Hiyawan na sa kabilang linya.

Hihindi na sana ako pero alam kong makulit si boss Terry. Naging Boss ko siya noon, marami kasi siyang hinahawakang negosyo. May advertising agency siya at may-ari ng iilang bar. Naging secretary niya ko pero ng maramdaman kong may kakaiba na, umalis na ko. Pero anak ng bebeng nasesarian, hindi parin ako tinantanan! Kinaibigan nya mga barkada ko at binigyan pa ng raket. Nang tumira ako sa bahay ng Tito ko, natunton parin ang lola mo.

“Sir, huwag na lang po. May lagnat po kasi ako.” Pagsisinungaling ko. Hindi naman masamang magsinungaling kung kailangan diba?

“Kaya nga susunduin na lang kita, andito lahat ng barkada mo. Kanina pa to andito.”

Hindi ko alam kung talaga bang pupunta ako sa bar niya. Dati na akong tumatambay doon at lahat ng nagtatrabaho doon ay kilala ko na. Pati iilang foreigner na costumer ay kilala ko na at kilala na rin ako. Minsan doon kami tumutugtog kapag walang magawa. Nang minsa'ng mahuli ako ng police sa daan, calling card ni Boss Terry ang nagligtas sa’kin. Bakit nga ba ako nahuli? Secret…


“Sir ‘wag mo na akong sunduin, pupunta nko.” Sabi ko.

Agad ako’y naligo upang makapagbihis at makapunta na sa bar.

“Grrrr… kainis! San ko kaya nalagay face powder ko?” namisplace ko na naman ang face powder ko kaya baby powder na lang nilagay ko sa pagmumuka ko.

Naglip gloss at nagblush on na rin ako.

“Ayan, babae ka na bakla!” sabi ko sa sarili at sumilip ulit sa salamin. Hindi ko na tinalian ang mahaba kong buhok. Paeffect yon kapag pumasok na ko mamaya sa bar


Fast forward…


Sa wakas umabot din ng buhay ang lola mo sa bar. Dahil maaga pa, wala pa masyadong costumer. Pumasok na ko sa loob at gaya ng sabi ko… paeffect na winagayway ang buhok kasi pumunta na sa harap. Parang napunta ako bigla sa ibang dimension. Iba ang pakiramdam. Para akong sasabog sa lakas ng music. Nakita ko ulit ang mga magagandang PARTY LADIES.


PARTY LADIES sosyal na entertainer na nag-aaral sa mga exclusive universities. Alam nyo na yon!


Sa lugar na yon ako’y unang namulat sa kamunduhang nangyayari sa mundo na dati ay nakikita ko lang sa pelikula.

Nag ang iilan at ang iilan naman ay humalik. At hindi kiss sa cheek ang sinasabi ko.




“Kala ko ba, bago na uniform nyo? Bat tube parin?” sabay hila pababa sa tube ng isa. “kala ko pwet ng baby! Nak ng!” tawanan na ang lahat.

Hindi ka basta-basta matatanggap sa bar na yon kung maliit lang ang kayamanan mo sa buhay.

“Lex, akyat ka na lang”, singit ng waiter.

May rooftop ang bar, and most of the time doon ang fellowship namin.

Kumuha ng malamig na beer sa reef at lumagok muna bago umakyat. Hindi ko alam kung paano na naman ako haharap kay Boss Terry.Umaalingawngaw ang ingay kahit hindi pa ko nakakaakyat. Nang dumating nko… plastikan ulit! Charottt..

kiss dito at kiss doon. Walang katapusang halikan ba ito?


“Hoy! Alex! Loko ka! Bakit di ka na nagpaparamdam?” reklamong bungad agad ni Don.

“Natakot ata sa akin.” Sabad ni Terry.

“Busy lang talaga sa trabaho at school.”

“sus school ba talaga?” sabad ni meeya. Bagong sekretarya ng lolo mo.

“oo naman! Expect that to a nice girl like me!.” Pagmamalinis ko syempre!

Bumaha na ang beer at ibang inumin. Ang ibang party ladies ay nagwawala na rin. May isang pumatong sa table, sumasayaw sabay ligo sa katawan ng sweet wine. Ang mga swine naman ay kanya-kanyang hila na ng babae maisayaw. Marami na rin ang nainom ko. Katabi ko puro demonyo este matipuno at sa harap namin ay limang party ladies na nagshoshowdown. Palakpakan na ang lahat sa tuwa. Tumayo si Sir Bogs at naglabas ng pera. Nilagyan ng tig-iisang libo ang mapuputi at malulusog na pwet ng baby. (Cleavage ‘yon kung di mo parin nagegets! )

Si Sir Bogs ay isang half chinese na nagmamay-ari ng maraming sasakyang pangkarera. Sa sobrang landi ayon at napikot

Tumayo na ko at nakipag show down na rin. Dumikit si Sai, isang mestisang party lady at sinabayan na ko sa pagsayaw sa gitna. Nag-iingay na ang lahat. Si Sai naman ay di na rin nakontento at lalo pa talagang dumikit , at sa bawat indak ng musika, sabay na sabay naman ang pagdiin niya sa ibabang bahagi ng katawan niya sa katawan ko. Hinawi ko ang magulo niyang buhok at ano pa nga ba? Naghalikan nga kami pero saglit lang, para paunlakan lang ang mga makakati sa paligid na halos tumutulo na ang laway!

Natapos ang tugtog kaya bumaba ako saglit para naman huminga ng konte. Lasing na rin ako at mabigat na ang pakiramdam ko.

“Lex, are you okay?” di ko namalayan na sumunod pala si Sai.
“Im fine.” Sagot ko naman.

Hinila niya ang tube niya pataas at kasunod noon ay ang paghawi niya sa buhok ko. Hinawakan niya ang pisngi ko at biglang nangiti.

“Namiss kita.” Hinalikan niya ko ulit at tumalikod na.

Sa mundong inaapakan ko sa gabing ‘yon, Hindi uso ang kasarian o katayuan! kapag type mo… type mo! Noon hindi ko matanggap ‘yon dahil pagkakaalam ko, hindi normal ang ganon! Nang lumaon… natutunan ko rin tanggapin at pag-aralan ang lahat. Walang lugar ang mapanghusga sa mundong ginagalawan nila, at dahil pumasok ako… PANININDIGAN ko na! wala namang mawawala kung tanggapin ko kung ano sila. WALANG MALINIS SA MUNDO!! Ikaw,… ako… may drawing sa mukha!!!


Nahihilo na talaga ako at nasusuka. Agad akong tumakbo sa C.R. Buti na lang at walang tao. Pumasok na ko at inilabas ang alak na nainom ko. Biglang may pumasok, isang party lady at costumer. Nakalimutan ko palang i-lock ang pinto.

Sumenyas na ko na ayos lang. Malaki naman ang CR. Mas malaki pa nga sa kwarto ko sa boarding house. May malaki at malambot na upuan sa gilid. Doon nga nila nilabas ang panggigil nila sa isa’t-isa! Pumasok na sa entrance si juan! Sa bawat diin ng kuya mo sa kaharap niyang ate, lumalabas naman sa bibig ko ang kinain at ininom ko sa gabing yon! Napapatingin sila sa akin at ang sagot ko naman, isang senyas lang!

Nilinis ko na pagmumuka ko at nagsalita.

“Sige patuloy nyo lang. hehehehe… Labas na ko.”


Ala-una ng umaga. Sumasakit na talaga ulo ko kaya sa waiter na lang ako nagpaalam. Kapag umakyat pa ko, malabong makauwi ako na di nasisikatan ng araw!


Lumabas na ko sa Bar at naghintay ng Taxi. May tumapik bigla. Nilingon ko’t tiningnan.

“Sai bakit?” Tanong ko sabay ngiti.
“Here, text me before you go to sleep” inabot niya contact number niya.

Akala ko ay tatalikod na siya ngunit hinintay nya akong makasakay bago siya pumasok ulit sa bar. Pagdating ko sa bahay, agad akong nagtoothbrush, hilamos, bihis at natulog. Masyadong mabigat na pakiramdam ko. Bukas na lang ulit.

No comments: