“Who holds economic power, also holds political power”

Ano raw? Charottt…
Maagang maaga, bulyaw na naman ni Mama naririnig ko. Langhiya naman.

Tinatakpan ko na tenga ko dahil parang sasabog na sa sigaw ni Mama, nasa likuran kasi ako ng bahay at nagbabasa ng bagong librong nabili ko. Pasipol-sipol pa ko sa duyan'g hinihigaan.
“Ayusin mo nga itong higaan mo! Ang tanda-tanda mo na pero hindi ka parin marunong mag-ayos ng sarili mong higaan!” sigaw ng nanay ko.
“Ma, nakakalito ka naman, sabi mo di pa ko pwede magkaron ng JOWA dahil BATA pa ko! Tapos sa gawaing bahay MATANDA na ko! Aisst!! Ano ba talaga ako? Bata? Matanda?! Pamimilosopo ko.
Nagalit na nga ng tuluyan nanay ko




Sa sobrang laki ng agwat ko sa mga kapatid kong lalaki, hindi ko alam kung saan ako lulugar sa bahay namin… puro lalaki rin ang mga pinsan ko… lumaki akong nagtataka kung bakit kailangan ko magpahaba ng buhok, magsuot ng damit na kulay pink at maglagay ng butterfly hairclips samantalang sila, hindi naman.

Kahit anong liit ng sungay, sa tamang panahon ay lalaki rin, ‘yon ata ang nangyari.

Lahat ng nakikita ko sa paligid ko tinatapatan ko. Nakakapagod ang maging sunod-sunuran. Maging ganito ka dahil yon ang nararapat… blah… blah… blah…
Napagod din sa wakas si Mama sa kakabulyaw kaya umakyat na ko sa bahay at naglinis. Inaantok ulit ako kaya nagpatugtog ng mp3… NUMB by slapshock!!

“Lex, may pera ka? “ Bungad kaagad ng kuya kong kakarating lang galling sa bahay nila. May asawa na lahat ng kapatid ko.
“Napano na naman ba anak mo?” sagot ko naman… Nasanay na kasi ako. Naaalala sa tuwing may pinansyal na problema. Ganon sila.


“Si ella naubusan ng gatas, pautang muna.” Utang


Ini-off ko muna ang player at kinausap ko na kuya ko.
“magkano ba?”
“400”
“anak ng tokwa! Isang linggong allowance ko na yan! Di ba pwedeng 350.85 cents lang?” panloloko ko sa kuya ko.
Kinuha ko na ang wallet ko at iniabot ang pera.
“kuya, usapan natin. Tama na yang dalawa, lagyan mo na ng pambara yang matres ng asawa mo.


Minsan nakakapagod na talaga, maghanap ng pera para may pambayad sa tuition, boarding house, bisyo, gatas ng mga pamangkin at marami pang iba.

Nang manganak ate ko, bigla rin nila akong naalala, wala kasing pambayad sa hospital. Kahit nasa gitna ng inuman, lumipad ako papuntang hospital bitbit ang perang naipon ko pambili sana ng bagong bisyo.

Parang alahas na nasanla lang ng kinuha ko ang bata sa hospital, dahil ako naman nagbayad ng bill… binigyan ako ng kapangyarihan para pangalanan ang bata. Nilagay ko “CZE” o diba? Tatlong letters lang yan pero savings ko ang tinaob nyan.

Tinapos ko na ang paglilinis ko at baka magalit na naman nanay ko. Pinatugtog ko ulit ang player ay kumakain na’ko. Dati sinasapak sapak lang ako sa sobrang liit ko, ngayon pati kulay ng baso, kurtina, tasa, mesa, kutsara, bilang ng magiging anak, tokwa!! Ako ang nasusunod…


No comments:
Post a Comment