
Inaantok pa rin ako at ang bigat ng katawan ko. Ang gugulo pa ng kasama ko sa kwarto... palabas na ko, hinihila parin nila ako pabalik sa loob... nabuksan ko na ang pinto ngunit hindi pa rin ako makalabas... sabi ko "sige hilahin nyo pa ko sabay tawa, matatanggal na talaga ang hinahawakan ko. (wag nyong kalimutan door knob yon)

"Sige na, mamaya na lang ulit" sabi ko sa kanila. Nagsusumamo na 'ko dahil antok na antok na talaga ako at gusto ko na rin maligo.

Sa wakas nakalabas na rin

Nasa labas na ko at napihit ko na ang pinto ng makita ko ang pinsan ko papalapit sa kwarto kung san ako galing. Nagulat ako dahil wala namang sinabi ang mga kasama ko na darating pinsan ko, pero mas nagulat ako ng may isa pang sumulpot sa likuran nya.
"Hi" sabi nya...
"Hello" sabi ko naman...
Sumingit bigla ang walang kwenta kong pinsan, "Pasok na muna ako...kanina pa text ng text si Pie"
Si Pie, isang libong beses na nyang niligawan pero parang dun na lang sila!


Sumandal ang kausap ko sa pintong nakasara... nasa room 104 parin... kasama siya ng pinsan ko sa banda, vocalist... magkasundo kami sa maraming bagay, hanggang sa umabot na sa ligawan...


Nakailang date rin kami,

Sa isang iglap, natapos bigla ang lahat! Isa sa usapan namin noon, bawal ang sobrang seryoso, 'yong tipong dibdiban. Pinagtapat nya lahat sa pinsan ko dahil parang sasabog na daw siya (lintek na pag-ibig). Agad akong napagalitan ng pinsan ko at sinabihang makipaghiwalay na. At dahil mabait ako, ginawa ko nga...

Nagsusumamo siya noon na 'wag siyang hiwalayan pero tinapos ko parin ang lahat. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang dahilan ng pakikipaghiwalay ko... Ang alam ko lang, i need to go to the next LEVEL



"Alam mo bang nasa iisang village na tayo nakatira? at iilang beses na tayo nagkasabay sa pagsakay?"


'Di siya sumagot...

Pagsasabihan ko sana siya na bitiwan nko pero wrong move ata... nang itinaas ko na pagmumuka ko, hinalikan ako bigla. Hindi ko alam kung epekto parin ba ng alcohol ang bigla kung pagkalito, sana alcohol na lang ang dahilan. Hindi ko namalayan na nakakagat ko na pala ang labi nya. Kung hindi sya umungol, hindi ko 'yon namalayan... Yumuko ako at agad na inayos ang sarili ko. Alam kung nakatingin siya sa akin kaya nginitian ko siya sabay pahid sa dumudugo nyang labi.
"Sa susunod 'wag mong kinakain ang mga dapat mong sabihin kaya tuloy nasusugatan ka." sabi ko sabay tapik sa balikat nya at tumalikod na ko.
Hindi na siya sumunod sa pag-alis ko. Alam kong may namimiss ako pero hindi ako sigurado kung ang lalaking kaharap ko kani-kanina lang ay ang taong talagang hinahanap ko.

No comments:
Post a Comment