Sunday, January 24, 2010

Ngiti ni Hudas (part 6)



Linggo ng gabi… kailangan ko na ulit bumalik sa boarding dahil ay pasok na naman kinabukasan.


Tinatamad na talaga ako mag-aral, kung hindi dahil sa mga gumagawa sa mga assignments ko at projects, matagal na ko na kick out sa school…


Buti na lang.


Kailangan kong lumamon para pagdating sa boarding house, maglalaro na lang ako.


Musta na kaya ang farm ko? Sana hindi nalanta mga tanim ko. Sabi ko sa sarili ko


Lunes pa ng umaga dadating mga boardmates ko. Mag-eemo na lang muna ako sa boarding house.


Palabas na ko ng bahay ng biglang umulan.


Syet! Sira pa ang dala kung payong! Kumuha na ko ng dalawang supot at pinasok ko paa ko dun. Ayoko ko napuputikan rubber shoes ko. Kahit sa ukay-ukay ko lang nabili to… mahal parin! At ayaw ko kaagad malaspag! Mas matatanggap ko pang malaspag ang jowa ko ng iba kesa sapatos ko ang malaspag ng ulan! loko lang!


Naghihintay ako ng sasakyan sa daan. Pinagtitinginan na ko ng ibang nasa daan at naghihintay rin ng masasakyan.
“ Sus Paki ninyo sa outfit ko!” bulong sabay snob! SM at Chimes ang supot na nasa paa ko, Red at Blue.
Makulay.


“Kahit sabog ang buhok ko, atleast bagong ligo ako!”


Himutok ko parin. Nakasakay na rin ako sa wakas.
Nasa loob na ko ng sasakayan ng namalayan kong bukas pala ang zipper ko.


“Syet!!! Kaya naman pala!” kausap ko parin sarili ko.


Lawlaw ang suot kung pantalon kaya bumubukas yon sa tuwing gumagalaw ako. Agad kong sinara at pinikit ko na ang mata ko.


Nakakahiya.


Lalong lumalakas ang ulan, dasal ko na lang na sana makarating na agad ako sa boarding house. Gusto ko ng uminom ng kape.


Nagmuni muni ang lola mo ng biglang nagring ang cellphone.

Hell” sagot ko



Tumatawag si Josh, boypren ko. Si #1 ito.


“I’ve been calling you since yesterday, but you’re not answering my calls.” Agad nyang sagot.

Ay lintek ini-engles ang lola mo! Hindi ko alam kung bakit sinagot sagot ko ang mokong na to. Hindi naman matindi pangangailangan ko. Kaya ko naman pumasa na wala ang tulong nito.

Lahat ng research papers ko siya ang gumagawa… mas alam nya scheds ko at memorize nya ang pagkakasunod sunod ng deadlines ng mga thesis ko. Kahit hindi ko sabihin o iutos sa kanya ginagawa niya. Minsan ito pa napag-aawayan namin. Nagmumuka kasi akong tanga, nagreresearch ng magandang proposal tapos malalaman ko na lang approve na pala ang pangalan ko sa mga panels. Syet!


“Sorry sobrang busy kasi.” Sagot ko naman.

Pinara ko na ang sasakyan at agad binuka ang sirang payong.Tumawid ng mabilis at umakyat na sa boarding house. Nasa third floor ang room ko. Puro kami babae pero ayos lang makisawsaw ang lalaki at binabae kung walang matulugan.


“Busy?! I asked your classmates kung may out of town cases kayo? Umuwi ka lang naman daw sa bahay nyo?!” tumataas na ang boses ng lolo.

Nasa pangatlong palapag na ko. Huminto ako sandali at sumandal sa pinto.


“Teka nga… Bakit nagagalit ka? Dahil ba di ko nasagot tawag mo? Nagsorry nko ah! Ano bang gusto mong marinig? I told you I’m sorry if I wasn’t able to answer your calls! I’m too occupied lately!” mahina ngunit matigas na rin ang boses ko.

Hiling ko sa panahon na yon ay makipagbreak na lang sana ang lalaki para matapos na ang lahat. Hindi ko ugaling makipgbreak sa lalaki dahil madali akong maubusan ng idadahilan kaya hinahayaan ko na lang sila ang makipag-break. Pakialam ko kung pagchismisan akong iniwan! Mas alam ko naman ang totoo.

Narinig kong nagbebeep ang cellphone ko, akala ko binabaan ako ng loko. May tumatawag palang iba. Kahit nagsasalita si Josh, pinindot ko ang hold at sinagot ang kabilang caller.


“Hello?” kinakapa ko ang susi ng pinto at pinasok sa doorknob.

Nabuksan ko rin ang pinto.

“Lex?” sagot ng kabila.

“yes, who’s this?” malamig kong sagot… naghahabol ako ng hininga. Naiinis sa unang kausap.

“ Si Sai to. You never call me, so I asked your number kay boss.”

“oi Sai, wait… hold on.”

Binuksan ko ang kabilang line. Sabay bukas sa ilaw ng room ko at naupo sa kama.


“Bakit nawala ka bigla? Sinong tumawag sayo?” tanong kaagad ng isa.

“ Bukas na lang tayo mag-usap . I’m so tired and I need a good sleep tonight.”

Patlang…

“ Okey, before seven in the morning. 9 pa naman 1st class mo diba?”

“Hmmm.. just be here tomorrow.”

I drop his call and talk to Sai again.

“ Sai, sandal lang talaga, I’ll just change clothes, I’m F8cking wet.”

Narinig ko ang munting tawa sa kabilang linya. Nakaloud speak kasi ang phone ng binaba ko sa kama. Since ako lang mag-isa, naghubad na ng dire-diretso at nagpalit ng makapal na t-shirt at komportableng shorts. Malakas parin ang ulan.

Dinampot ko ang cellphone sa kama at lumabas ulit. Humarap sa computer at nagpatugtog. Wala kasing TV kaya PC lang ang pwedeng pagtripan sa boarding house na yon. Solo ko ngayon ang boarding house. Room ko lang ang may ilaw. Lahat ng kwarto di naman nakalock pero sinadya ko na isang ilaw lang ang gamitin. Masarap mag EMO


“ Still there?” tanong ko sa kabilang linya.

“ Yup!, why don’t you go out and see for yourself who’s outside”

Kumunot ang noo ko ng marinig ko ang mahinang tawa ni Sai. Sinilip ko sa terrace kung may tao nga sa tapat ng bahay. May puting Civic.


“ Nice car” sabi ko at natawa. Sinong mag-aakala, natunton ako ng loka-loka.

“You might be wondering… I’m just bored… lalabas ka ba o papasukin kita ngayon jan?”

“ Pasok ka na lang dito, pareho naman tayong babae. Malabong pagchismisan tayo.”

Lumabas na nga si Sai sa kotse at tumawid sa kalsada. Binaba ko na ang phone at binuksan ang pinto.


“ Kanina ka pa ba sa labas?”

“Kadarating ko lang, kay Bossing ko kihuha itong location mo. Kinulit ko kaya naiibigay nya.”

Ilang beses nkong nahatid ni Sir Terry sa boarding house ko kaya alam nya location nito.

Nauna akong pumasok at sumunod naman siya. Panay kiskis niya sa braso niya, siguro giniginaw ang loka-loka. Naka sleeveless na manipis lang kasi at skinny jeans. Naupo ako ulit sa harap ng PC at hinayaan ko siyang humila ng sarili nyang upuan. Panay kiskis parin nya sa braso at kamay nya.


“Beer or coffee?” tanong ko sa kanya.

Sobrang lakas ng ulan. Parang binabagyo.

“ Di na, nakakahiya naman sayo.” Sagot naman niya sabay hawi sa ilang hiblang buhok na dumikit sa pisngi niya.

Natawa ako at tumayo na upang kumuha na sana ng maiinom ngunit hinila nya ko papalapit sa kanya. Pareho na kaming nakatayo ngayon. Gusto kung magmura dahil para akong inutil ng mga panahong yon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pati lalamunan ko, dinaanan ng el niño, tuyong-tuyo. Tulad ng dati, walang kaabog-abog… hinalikan nya ko. Nakakainis dahil hindi ako makagalaw.

Biglang kumulog. Isang hudyat para lumayo! Buti na lang

Nagtimpla na ko ng dalawang kape sa kusina at binalikan ulit si Sai. Kinuha ko ang jacket at kumot ko sa loob ng kwarto at binigay sa kanya ang isa. Kinuha nya ang jacket at niyakap.


“Isuot mo na ng di ka lamigin.” Ayokong pagbihisin siya at baka iba ang mangyari! Susme!

“Pasensya ka na. I’m just so tired.”

Alam ko ang ibig nyang sabihin pero nahihirapan akong magreact dahil alam kung hindi naman ako makakatulong. Isang mayamang Chinese ang gumagastos sa mga pangangailangan nya ngayon. Hindi Sugar daddy dahil trenta pa naman ang edad. Siya ay dakilang no.2 ika nga.


“ Honestly, I don’t know how to help you with your problem. “

“Hey, its okey” hikbi nya.

Gusto ko ng magmura sa panahon na yon. Halo-halo na ang nararamdaman ko. Awa, Kaba, Inis at lamig.

Hinila ko ang upuan ko papalapit sa kanya at niyakap siya.


“Bahala na.” Yon na ang pinakmadaling isipin sa oras na ‘yon.

Ilang minuto rin kami sa posisyo’ng yon.

“Hmm.. you’d better change clothes and stay here. You can use my things and my room. Sa kabilang room na lang ako. “

Kinuha nya ang kamay ko at hinalikan.
Ngumiti at hinawakn ako sa pisngi.


“I don’t know what’s with you, I’m just glad to have you.” mahinang bulong nya.

Hinalikan niya ko at kahit hirap sa posisyon, nasabayan niya parin ang pagtayo ko. Hindi ko alam kung kayang i-explain ng Science ang pangyayari. Wala na rin akong maintindihan. Nagrerespond na lang ako sa ginagawa niya. Sa una, parang may gumagapang na malamig na hangin sa katawan ko, kalaunan nawala at nagawa ko ng tumawa sabay ng paggalaw ng kamay ko. Para akong si Dura the Explorer. Hinahayaan nya naman ako sa ginawa ko. Parang may sariling utak na ang kamay ko at naglilikot na rin. Noong una, pinandidirihan ko ang ideyang ito pero ngayon napagtatawanan ko na sa utak ko. Pareho lang naman ang hitsura ng katawan niya sa katawan ko pero ang mahawakan ang parting maseselan sa kanya ay iba. Pareho din kaming matino ng panahon ‘yon. Galit siya sa sitwasyon niya. Galit din ako sa sitwasyon ko. Tugmang-tugma.

Nauntog pa ko sa pinto ng sabay kaming pumasok sa kwarto. Pareho kaming natawa at pinagpatuloy na ang ginagawa.

Pinaka-ayaw ko ang malamig pero naintindihan ko kung ano ang init dahil dito.


No comments: