Thursday, January 14, 2010

Ngiti ni Hudas (part 1)



Kapag sinabi mong hudas, lalaking mandurugas... Oo, lalaki kaagad ang maiisip mo. Minsan lang din ako nakakarinig na ang mga babae tinatawag na hudas... Karamihan pa sa mga nagsasabi non' ay ang mga naagawan ng jowa... o lalaking penerahan tapos iniwan.

Naalala ko lang bigla dahil naging aktibo na naman ang buhay ko sa gabi. Ang sagwa kapag tagalog. Sige night life na lang ang gagamitin ko. Mukang malinis pa kasi kesa sa nabanggit ko kanina.

Kagabi lang nakasama ulit ang dating kabarkada, nagcheck in sa hotel dahil maraming disturbo sa bahay. Tatlong araw namalagi doon. Inuman session...yosi... kain... kantahan...hiyawan... maxadong magulo pero masaya. May tumutugtog ng gitara habang may kumakanta na di malaman kung umiiyak o nasasayahan sa muling pagkikita.

Nagkatanungan ng kung ano-anong bagay, tatlong taon din kasi hindi nagkikita-kita. Tinanong ang isang kasama ko kung siya ba ay may bagong jowa? Sumagot lang "dalawang taon na'kong tigang" tawanan ang lahat, ang isa naman ulit. "Iniwan ko na asawa ko." sabay inom sa malamig na beer, "papayaman na lang muna ako" hiyawan ulit ang lahat. Humantong na naman sa isa pa, at nagkalaunan napunta ang atensyon ng lahat sa akin, ang bigat ng mga talukap ng mata ko kaya pinilit kong idilat. Medyo may tama na rin kasi. "Ikaw tol, simula high school hanggang ngayon, ni isang boyfriend wala kang naipakilala, diba muntik ka ng bilhin ng boss ni mitot?Naalala ko bigla ang pagsusumamo ng isang lalaking may edad... bigla akong napagulong.

Magkano kaya lahat ng nagastos ng matandang 'yon? 35 years old, businessman, puge naman. Gulong parin ako ng gulong habang sila naman ay nakikisabay lang. Saan-saan din kami umabot sabay pa buong tropa sa bawat date. Buti sana kung sa malalapit lang na lugar.

Kinulit ulit ako, "ano 'yong nabalitaan namin na pinagsabay mo ang tatlong lalaki sa university? Nakikipagboyfriend ka pero ni isa wala ka namang pinakilala sa amin?".

Parang mamamatay na ko sa kakatawa, palaging busy ang buhay ko kaya kailangan ko ng tatlong jowa sa panahong 'yon...

Running for cumlaude ang isa; para sa thesis ko.
Varsity ang isa; magaling maglaba ng damit... mahirap kasi sa boarding haus.
rider ng H***A phil. ang isa, may micro finance business... pwede na.

Makulit pa rin sila, masyado daw akong malihim at palagi na lamang dinadaan sa kalokohan ang mga tanong nila.

Pano ko ba sasagutin ang tanong nila kung alam ko puro panghuhusga lamang ang aking makukuha?... puna dito puna doon...

Sumingit ulit ang isa, "eh 'yong prof mo ba ay talagang naging ano mo?

Ang tanong na 'yon ang di ko kinaya...

Tumayo nko sa kama at kinuha ang bag ko sa tabi sabay sabi "una nko, kailangan ko pa mag-study" ...

lumabas sa room 104 at nag-iwan ng isang ngiti sa mga kasama...

No comments: