Thursday, January 14, 2010

Ngiti ni Hudas (part 3)







"Langhiya! sino ba 'tong tawag ng tawag dis oras ng gabi!" kinakapa ang cellphone sabay pindot sa pulang button! matutulog na sana ulit pero talagang manhid ata ang tumatawag at tumawag na naman ulit...

tanging ilaw ng cellphone na nagriring ang nakikita ko sa madilim na kwarto... dinampot ko na ulit at sinagot...

"hello"

hirap akong makipag-usap dahil sa bigat ng talukap ko....

"hello, sorry nagising kita" sagot sa kabilang linya.

"rick, anong kailangan mo? anong oras na ah? importante ba talaga?"

si rick, siya ang tinutukoy ko na medyo may edad kong KAIBIGAN
sobrang naadik na sa kalokohan sa mundo kaya di na nakapag-asawa. Nakilala ko lang din siya sa isang bar na tinatambayan ko. Hindi naman siya bastos kausap pero daig pa ang bagyo sa sobrang hangin nito. Nabibili nya lahat ng gusto niya kaya biro ko sa kanya bakit hindi niya subukang bumili ng asawa, ang sagot "MAGKANO KA BA?"



Ang loko, ako ang nadiskitahan, ang ginawa ko na lang ay ibenta siya sa ibang babae

Bogggg!

"Aray!" nauntog na nga ako sa pinto ng sinubukan kung tumayo para lumabas.

"Labas ka muna, kanina pa ko sa labas eh"... aya ng kausap ko sa kabilang linya.

"Sandali" ini-off ko na ang cp ko at lumabas sa boarding house.

Akala ko siya lang ang pumunta at ang gamit niya sa pagpunta sa boarding house ay ang motorsiklo nya pero mukang may bagong kotse ata ang mokong kaya napadpad na naman sa teritoryo ko.

Bumaba siya sa kotse at nilapitan ako...

Assuming ang mokong kaya feeling niya close kami, sanay na rin ako... humalik ang walanghiya sa cheek.

"Namiss kita"

"May kasama ka?" patay mali kong tanong.

"Pinsan ko, kakarating lang galing states. Labas tayo... sandali lang naman... susubukan ko lang bagong kotse ko"

"Maaga duty ko bukas, di pwede" alam nyang working student ako, marami akong raket pero iilan lang alam niya. Kinulit parin ako ng walanghiya!

Kaya sabi ko "sandali lang tayo tapos iuwi mo ko dito sa boarding house ng buhay! ok?" Gusto ko lang din makita ng sinasabi nyang pinsan kasi hindi bumaba sa kotse...

Kinuha ko ang jacket ko sa loob at lumabas ulit ako. Lumabas ang lalaking nakaupo sa front seat, 'di kinaya ng powers ko ang magpigil kaya sabi ko "sandali", humingang malalim at umupo nko sa frontseat... para akong kinikiliti, langhiya! nasa PINAS na feeling nasa ibang bansa parin... HINDI AKO INSECURE SA OUTFIT NYA... sigurado ako dun. Ala-una na ng madaling araw at wala narin maxadong tao sa labas ng kalsada pero pormang porma parin si KUYA... bagong ligo at sasabog ang ilong mo sa amoy nyang imported! Ganun din ang dibdib mo sa sobrang lakas ng music! Talo ako sa dami ng bling bling nya sa katawan na parang mapapaflat ang gulong ng bagong sasakyan sa sobrang bigat!

Walanghiya ako!
Sarili ko na ang sinisi ko sa pagsama sa kanila!


"Where do you want to go?" tanong ni rick...

"Sa roadtrip" grillhouse yon, bar at bilyaran...

Pumasok na kami sa grillhouse at naghanap ng mauupuan... kami kami lang ni rick ang nag-uusap...

"Oh sh*t! I forgot to introduce my cousin, jason meet lexa... Lexa, meet my cousin jason... Im really really sorry."

(Haruuu.. ang landi kasi kaya nakalimot)

Napilitan nkong mag Hi...

Kahit boring ang mga kasama ko, ayos na rin...masarap kasi ang pagkain sa roadtrip!

"Wanna play billiards?" aya ni jason sa akin...

"Sure" sabi ko naman...

Nung high school pa 'ko... billiards, badminton at softball ang palagi kong nilalaro. (di pa uso lalaki nun, nu ka ba? utak nito) pinasok ko ang debating club at chess club pero di ako natuwa dun. Sa boyscout lang ako di pumasa! Naging drill master din ako sa ibang org maliban lang talaga sa girl scout, isinusuka ako dun. Naging officer din sa CAT kaya iilan din napagtripan ko! Walang alam ang nanay ko sa lahat ng pinasok ko... Muntik pa ko ma-expel sa mga kalokohang pinaggagawa ko noon!

Kanya-kanya na kaming hawak ng "tako"...

one on one ang laban...

Nag-order ako ng beer, pampakalma 'yon... kapag matagal ka ng di nakapaglaro ng bilyar, manginginig kasi ang kamay mo.

Tawa siya ng tawa kapag palpak ang taktikang gamit ko... hindi ko pa kasi kabisado ang kalaro ko kung ano ang kahinaan nyang tira..nagkalaunan, nalaman ko na rin... Lamang nko sa kanya at siya ay nahihirapan ng ngumiti. Tira ko parin! Nagsisigawan na ang ibang manlalaro'ng andun...

"Patigasin mo naman yang hawak mo ng makashoot ka naman, sabay titig sa pribadong bahagi ng katawan nya.. " hinimas ko ng dahan dahan... ang tako na hawak ko sabay sapol sa huling bola at sigawan ulit!

SHOOT!!! money down!!!

Sigawan ang lahat!!!

Umalis nko at lumabas, alam kong magkakainitan lang at walang reresbak kung sakali...
Habang hinintay ko silang lumabas, may napansin akong kotse na galaw ng galaw...
tinted kasi kaya di ko makita kung may tao ba sa loob... Nilabas ko ang cellphone ko sabay pindot sa camera... Ayan, may dadaang truck, maiilawan ang gumagalaw na sasakyan....

Sapol... nakunan ko ng pic ang nakadikit na pwet sa salamin.

gagawa na lang ng milagro, sa publikong lugar pa!

Inihatid ako ni rick pero hindi na 'ko kinibo ng pinsan nyang "check it out"

3:30 a.m. buti at di ako nahirapang matulog....

No comments: