sa panahon na ako'y masaya
ikaw ang kasama
nang iniwan nila ako
sabi mo'y wag akong sumuko
ilang taon na ba tayo?
anim, pito, walo?
ang sarap mong sandalan
yan ang dati kong katwiran
mga gabi na katabi ka
tuloy ako'y inuumaga
hinang-hina ng ako'y mahiga
ninanamnam ang damdaming mahiwaga
pinilit kong lumayo sayo
sa kadahilanang gusto ko ng magbago
isa, dalawa, tatlong buwan
heto ako ngayon iniisip ang nakaraan
ano ba ang gusto mong mangyari?
sa buhay ko'y gusto mo bang maghari?
ayan ka na naman at nanlalamig
gusto na sana kitang itabig
baliw na ba ako sayo?
ano ba ang maiipapayo mo?
sayo'y wala akong laban
lagi na lang akong tinatablan
redhorse sobrang lakas!!!
kahit kailan wala kang kupas!!!


ikaw ang kasama
nang iniwan nila ako
sabi mo'y wag akong sumuko
ilang taon na ba tayo?
anim, pito, walo?
ang sarap mong sandalan
yan ang dati kong katwiran
mga gabi na katabi ka
tuloy ako'y inuumaga
hinang-hina ng ako'y mahiga
ninanamnam ang damdaming mahiwaga
pinilit kong lumayo sayo
sa kadahilanang gusto ko ng magbago
isa, dalawa, tatlong buwan
heto ako ngayon iniisip ang nakaraan
ano ba ang gusto mong mangyari?
sa buhay ko'y gusto mo bang maghari?
ayan ka na naman at nanlalamig
gusto na sana kitang itabig
baliw na ba ako sayo?
ano ba ang maiipapayo mo?
sayo'y wala akong laban
lagi na lang akong tinatablan
redhorse sobrang lakas!!!
kahit kailan wala kang kupas!!!


No comments:
Post a Comment