Sa isang lugar minsa'y napadpad
Kung saan pangarap ay kuyom ng isang palad
Doo'y nakilala ang batang paslit
Banat sa trabaho kaya lalong lumiit
Umaga't hapo'y nasa bukirin
Mga magulang nya'y 'di siya kayang pag-aralin
Sa buhay niya'y ramdam ang kahirapan
May puwang pa kaya sa kanya ang kaunlaran
Minsan na nga lang makakain ng bigas
Nagtitiis pa sa pilang kay taas
Kita nya sa isang araw kala'y magkano
Kakasya lamang pala sa dalawang kilo
Kaunlara'y simpleng salita
Ngunit pa'no mo ito ibibigay sa isang bata
Sariling buhay nga'y hirap tayong iguhit
Kulayan pa kaya ang buhay ng isang paslit
Kinumusta ko ang paslit na si JUAN
Sagot nya'y "heto't kumakalam na naman ang aking tiyan"
"'Di ko alam magiging buhay ko"
"Kinabukasa't kaunlaran ko'y magkano kaya ang kilo?"

No comments:
Post a Comment