Sunday, December 27, 2009

Kailan Ba?

Ilang buhay ang sinakripisyo para sa paglaya?
Tunay nga ba tayong may laya?
Ano ba ang saysay ng lahat ng nangyari sa nakaraan?
Ililibing na lamang ba sa limot ang kahapong puno ng masalimuot na pangyayari?
Mabuti pa ang bulag dahil pilit na makaramdam
Dilat nga’t may nakikita pero patuloy sa pagbubulagbulagan
Mula kahapon hanggang ngayon…
May mga pagkakaiba ba?

Noon at ngayon …
Iilan lang ba ang gising at mulat sa totoong pangyayari?
Iilan ba sa kanila ang may tunay at dalisay na pagmamahal sa bayan?
Iilan ba sa kanila ang handang mamatay para sa ipinaglalaban?
May pag-asa pa ba tlaga tayo na makaalpas sa malaimpyernong kalagayan natin ngayon?

Kailan ba tayong lahat magigising?
Kailan ba tayo lalaban sa harap harapang pang-aapi?
Ano ba ang masmasakit at mas masahol?
Ang apihin at abusuhin ng mga dayuhan?
O ang lantarang pagbibinta at panggagamit sa atin ng ating kauri?
Ano ba ang saysay ng pagigigng Pilipino kung kapwa din lang sila nang-aalipusta sa atin?…
Kailan ba natin maiisip ang tunay na kahalagahan ng ating pagkatao na sa ilang beses na niyurakan ng iba?
Kailan ba natin matutugunan ang hiyaw ng inang bayan?
Kailan ba natin ipaglalaban ang ating mga karapatan?
Kailan ba natin makuhang ipagtanggol ang ating tunay na kalayaan?

Kailan ba?

Kailan pa?

No comments: